Tuesday, February 19, 2008

K88 Grand Reunion - Pasasalamat

by Jeff Sulit
20th Year Homecoming Chair


Wagi!

Wagi ang Batch 88! Sa mga humigit kumulang na 96 batchmates na dumalo nung Sabado, masasabi natin na tayo ay nagwagi sa ating adhikain na ituloy ang kapatiran ng ating batch.

Isang karangalan para sa akin ang pagiging Homecoming Chair para sa ating 20th year Grand Reunion. Kund hindi sa mga sumusunod na ka-batch natin, hindi ko kakayanin at hindi ganito ang kalalabasan ng Kwentuhan, Kantahan at Kampayan natin nung Sabado.

Para kay Joey Manalad, ang ating batch president, salamat at binigyan mo ko ng pagkakataon na iorganisa ang Reunion na ito. At sa pagiging punong abala sa sponsorhip at fund raising committee.

Para kay Cocoy Del Prado, sa pagiging co-chair sa reunion na ito. Salamat bro at marami kang nahikayat na pumunta.

Para kay Jay Ravalo ang ating Grand Patron. Salamat ng marami sa pagiging bukas palad mo sa kapakanan ng ating batch. At sa iyong pamilya na buo ang suporta din sa ating batch.

Para kay Arnold Martinez, punong abala sa ating batch shirt, web page at blog spot. Pasensya na at naatasan ka muling maging official photographer.

Para kay Bong Estrada sa pag-asikaso sa ating mga kinain nung Sabado at sa mga oras na ginugol para sa praktis bilang vocalista sa K88 Band.

Para kay Noel Acosta at Gilbert Gatchalian, kasama si Jay at Bong, sa pagbigay ng walang kapantay na live performances at sa mga di mabilang na oras sa pag-eensayo.

Para kay Ericson Mercado, sa ginawang artwork na naging backdrop natin at back cover ng souvenir program.

Para kay Jobet Lara, sa iyong pagdalo kahit alam namin na mahirap sa kundisyon mo sa ngayon.

Para kay Jun Lara, sa pag buo ng programa nuong Sabado, pasensya na at di natin nasaikatuparan ang mga larong pinaghandaan.

Sa mga nag-distibute ng ating tickets at nangolekta ng mga proceeds, Joey, Cocoy, Jay, Chunky, Rod, Rey Carlo, Jun Lara, Eric Gonzales, Eric Cruz, Regan Bernabe, Gatchi, Noel, paki personal email na lang ako kung meron akong hindi nabanggit na pangalan- ipagpaumanhin na lang po.

Sa lahat na tumulong ng pinansyal kahit alam natin na mahirap ang buhay ngayon, kayo ay naglaan para sa reunion at outreach natin.

Para ka Cesar Menguito, Regan Bernabe at Marvin Malonzo sa pagasikaso sa ating mga special guest.

Sa ating mga special guest, Father Eric, Mrs. Memoracion at Ms. Carina Santos - salamat at kayo ay nakarating, isang karangalan ang muli kayong makapiling.

Para kay Eric Cruz, punong abala sa registration at distribution ng batch shirt.

Para kay Rey Munsod, sa pagiging official solo pic photographer natin kahit na ako ay walang solo pic.

Para kay Boyet Valencia, sa pagiging emcee natin.

Sa lahat ng dumalo nung Sabado, kahit malayo ang pinanggalingan, kahit na meron mga trabaho, kahit na meron mga lakad pamilya, kahit meron emergency, kahit meron pinagluluksa, kahit meron ibang pagkakaabalahan ay ginusto pa rin makapunta sa ating Reunion.

Special mention kay Manny at Bing na sumorpresa sa lahat. Kay Hernan na despite sa mga nangyari ay pinili pa rin makapiling muli tayo.

At kay Iric Balog, condolence ulit bro.

At sa mga kasamahan ni Jay Ravalo na tumayong parking attendant, waiter, taga-kabit ng streamer, taga bili ng inumin, taga tilad ng lechon.

Ito lamang ay nagpapatunay na kung tayo ay tulong tulong walang bagay na impossible.

Tuloy natin ang paghahanda para sa ating 25th year at pagiging proud host of PCC's Centennial Celebration.

Ulit, maraming maraming salamat sa inyong lahat.

No comments: