Kilala mo ba si Macutay?
Eh si Erick Mercado?
Kung ka-batch ka namin at di mo sila kilala eh ewan ko kung saang lungga ka nagtatago nung high school pa lang tayo.
At kung di mo nga sila kilala eh, puwes, ipapakilala ko sila sa iyo.
O mas mabuti pa, pumunta ka na lang sa Megamall. Sa Big and Small Art Gallery, 4th Floor, Artwalk, Megamall Building A mula January 30 hanggang February 22, 2008. At tignan mo kung gaano kalupit ang mga batchmates nating ito.
Wala naman. Dalawa lang naman sila sa 45 finalists sa First Figurative Painting Competition ng Philippine Drawing Society.
Bukod pa dyan, Regional Finalist din si Derrick Macutay sa Philip Morris Philippine Art Awards.
At bukod pa dyan ang sangkaterbang awards na naiuwi na nitong dalawang ito. Future national artists yang mga yan. Kaya kung ako sa yo, bumili ka na ng mga paintings nila habang kaya mo pa. Dahil di magtatagal, sisikat na ng todo yang dalawang yan. Magandang investment nga daw ang art sabi nila.
Gusto mo na pumili? Madali ka naman pala kausap eh. Eto, silipin mo mga ginawa ni Derrick sa site nya.
Ang lupet noh? Magtaka ka pa. Duhh! Eh kasama nga natin sa Kumbento88 eh. Syempre malupet.
Tuesday, February 5, 2008
The Artists Amongst Us
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment