By: B Espiritu, Jr.
(originally printed in The Crusader, schoolyear 1984-85, No.3)
Sa Paskong ito'y aking ihahandog
Sa aking inay's kuwintas na maalindog
Ang kuwintas na ito'y simbolo ng habang buhay na pagmamahal
Sa ina kong sa akin ay nagluwal.
Aking ihahandog sa aking mga kapatid
Ang aking paglilingkod na hindi mapapatid
Paglilingkod na hindi kayang pantayan
Ng bawa't nilalang sa ating bayan.
Sa aking mga kaibigan at mga kamag-aral
Isang liham na pinaiiral
Ang pasasalamat kong taos-pusong pinaaalam
Sa kanilang lahat ang tulong sa aki'y inasam.
Tulong na aking kailangan
Solusyon sa problemang di-maiwasan
Paghihingahan ng mga suliranin
At mga tungkulin na dapat tupdin.
Sa aking bayan aking iaalay
Ang katapangan kong taglay
Upang ipagtanggol ang kanyang kaapihan
Mula ngayon at magpakailanman
Kay Kristong Hari aking iaalay
Ang handog kong katawan at buhay
Pagka't Kanya ang araw na ito
Kaarawan Niyang kung tawagin ay Pasko.
Pasko - kay daming handog na maibibigay
Pula, puti, at iba pang mga kulay
Ang maaari nating ibigay
Maging materyal na bagay o ang iyong buhay
Monday, December 24, 2007
HANDOG
Posted by
Bing Espiritu
on
12/24/2007
Filed under memory lane, poems
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment