Meron akong ano.
Meron akong kwento.
Nung unang semi-final game ng K88 Rigmarolers laban sa Batch 90, dumating si Chunky tapos na ang 1st half. Sabi ng committee di na raw sya pwede maglaro dahil late na sya. FIBA rule daw yon. Syempre umangal tayo dahil parang bigla-bigla na lang ipapatupad yang mga rules na yan, eh buong season naman bine-bend yang mga lintik na rules na yan. Halimbawa na lang eh yung default time ng mga teams at mga uniform ng mga players. Pero binatuhan nila tayo ng rason na FIBA rule daw yon na di na pwede maglaro ang player pag dumating after ng 1st half. At nung panahon na yon eh wala naman tayong dalang FIBA rulebook/manual para ikumpirma yung sinasabi nila. Kaya pinabayaan na lang natin. Natalo tayo pero ni hindi tayo nag-file ng protesta para i-challenge yung hindi nila pagpapalaro kay Chunky. Malakas loob natin na di talaga tayo kaya talunin ng Batch 90 pag kumpleto tayo. Babawian natin sila sa susunod na laro. Twice-to-beat naman tayo eh.
Meron akong ano.
Meron akong isa pang kwento.
Rubber match game natin laban sa Batch 90. Ang manalo, pasok sa Finals. Maaga dumating mga players natin. Ayaw nang maulit yung nangyaring pagbabawal maglaro pag na-late. Syempre, ano pa ba mangyayari? First quarter pa lang nilamangan na natin agad ng malaki ang kalaban, 20-9. Kumpleto tayo eh. Pero sa kainitan ng laro, sa isang rebound play, naumangan ng siko ni Chunky yung isang makulit na player (oo, sobrang kulit kahit tanungin nyo pa si Bimbo) ng Batch 90 dahil tinulak sya nito.
Technical foul. Tama yon. Pero hindi naman tumama yung siko. Dahil kung tumama yon, malamang iba na ang sinusulat ko ngayon sa inyo. Malamang naghahagilap ako ng suporta mula sa inyo para sumama sa amin na dalawin sa ospital yung nasiko ni Chunky sa mukha.
Anyway, balik tayo sa kwento. Syempre angalan ang nangyari, lalo na si Chunky. Pero di sya nagmura sa referee. Di nakuntento yung referee, binigyan ng isa pang technical si Chunky. Syempre dalawang technical equals thrown out sa laro. Eh di lalong nag-init ang tumbong ng mga Rigmarolers. Angal tayo syempre. Wala namang ganyanan.
Napikon yung referee. Naghubad. Nagsayaw. Joke. Naghubad lang pala ng t-shirt sabay nag-walk out.
Natigil yung laro natin laban sa Batch 90. Uwian na muna. Pag usapan na lang uli kung paano gagawin sa larong ito sa meeting na gagawin sa mga araw na darating.
Meron akong ano.
Meron akong nabalitaan.
Ilang linggo nang laging nauunsyami yung ni-reset na laro natin laban sa Batch 90. Una, di dumating yung referee. Sumunod, may gagamit sa gym ng PCC kaya di pwede. Pero sa Sabado, go na raw talaga yung laro. Eh di magaling.
Pero may dagdag na balita. Nakuha ko mula sa text ni Chunky ngayong umaga lang. Di raw sya paglalaruin sa game sa Sabado.
Watdapak?!?
Tinext ko si Chunky. Ano basis ng suspension? Wala nga raw sinabing dahilan. Plano natin mag-file ng pormal na protesta. Pero kailangan din muna natin malaman kung ano yung opisyal na rason kung bakit suspended si Chunky.
Alam ko yang sportsmanship-sportsmanship ek-ek na yan! Pero naman! Sobra na naman yata yan. Pumayag na nga tayo nung di nila pinaglaro si Chunky dahil late daw dumating nung 1st game. Pero ngayon sa ginagawa nila, sana sinabi na lang nila nung simula pa lang na guest team na lang tayo dahil sa sobrang lakas natin at di na tayo pwede manalo uli ng championship.
Di ba nila naisip na kung championship lang talaga ang habol natin sa ligang ito eh di na tayo nagbuo ng dalawang teams? Di ba nila naisip na hinati pa nga natin yung mga players natin dahil ang objective talaga natin dito eh mapagbigyan lahat ng gusto maglaro sa batch natin? Na kung isang solid na team lang ang ipapasok natin eh baka maging katawa-tawa yung resulta ng mga laro dahil parang isinali mo yung US Redeem Team sa PBA?
Meron akong ano.
Meron akong naalala.
Nung isang taon, Batch 90 yung nakalaban natin sa Championship. Sa mga nagpunta noon, naalala nyo pa ba yung mga drums na dinala pa natin panggulat sa Batch 90? FYI, ginaya ng Batch 90 last game yun. May dala din silang drums. Ang problema, sa atin nila ginawa. Eh tayo kaya nauna gumawa nun sa kanila. So walang dating sa atin dahil wala yung elements ng surprise at originality.
Malamang naaalala pa nila kung paano natin sila tinalo sa championship nung isang taon. At naaalala ko pa rin naman kung paano tayo nagsama-sama para ipakita sa Batch 90 ang pwersa ng K88 Rigmarolers.. Kasama pati mga asawa at anak. Sama-sama. Solid!
Kating-kati na itong Batch 90 na bawian tayo. Pero may laman kaya para sa kanila kung manalo sila sa atin na di tayo kumpleto? Masarap kaya para sa kanila kung manalo sila laban sa atin na wala yung isang main player natin?
Ewan ko sa kanila. Basta ako proud ako na kasama ako sa Kumbento88.
Meron akong ano.
Meron akong pakiusap.
Paglaruin man si Chunky o hindi sa Sabado, pakiusap ko sana na manindigan tayo. Against all odds – ang sarap ng plot para sa semifinals game na ito.
Manalo man o matalo tayo sa Sabado, pakiusap ko sana sumuporta tayo. Gaya nung isang taon. Gaya nung sama-sama tayong tumahak ng daan papunta sa kampeonato.
Gulatin uli natin ang Batch 90 sa Sabado. Maingay ang drums, kung magdadala nga sila ulit nun sa Sabado. Pero mas astig kung pupunuin natin ng manonood yung PCC gym habang sabay sabay tayo sumisigaw para sumuporta sa team natin. Daanin natin sa sindakan. Daanin natin sa paramihan. Daanin natin sa paingayan. Tayo lang ang may kakayanan na gumawa nun. Tayo lang ang natatanging batch na kayang sumindak ng ganun.
Magsuot tayo ng asul. Mas solid yung kulay natin, mas ok.
At matapos yung laro sa Sabado, isang bagay ang pinaka-sigurado – tayo pa rin ang nangungunang batch ng Kumbento!
Sabado. September 13, 2008. 6PM. PCC Gym.
Siguradong andun ako sa Sabado. Ikaw?
Thursday, September 11, 2008
Meron Akong Ano
Posted by
Arnold Martinez
on
9/11/2008
Filed under basketball
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment